MANILA, Philippines — Dumiretso ang Emilio Aguinaldo College sa kanilang ikalawang dikit na panalo habang kaagad nakabangon ang Jose Rizal University mula sa naunang kabiguan.
Naghulog si King Gurtiza ng career-high 23 points sa 75-65 paggupo ng Generals sa nagdedepensang Letran Knights sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
May 2-0 record ngayon ang EAC na ibinaon ang Letran sa 0-3.
Kumolekta si JP Maguliano ng double-double na 18 markers at 11 boards para sa Generals.
Binanderahan ni rookie Deo Cuajao ang Knights sa kanyang 12 points at may 11 markers si veteran big man Pao Javillonar.
Samantala, pinabagsak ng Heavy Bombers ang Mapua Cardinals, 70-61, sa likod ng 18 points ni rookie Patrick Ramos para makabawi mula sa overtime loss sa St. Benilde Blazers.
May magkatulad na 2-1 kartada ngayon ang Jose Rizal at Mapua.