Benilde tinapos na ang FEU sa V-League

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal ng College of Saint Benilde ang serye matapos nilang walisin ang Far Eastern University, 25-18, 25-19, 25-18 sa Game 2 ng ka­nilang best-of-3 finals ng 2nd V-League Women’s Collegiate Challenge na nilaro sa Paco Arena sa Manila, kahapon.

Pinamunuan nina Finals Most Valuable Player Jhasmine Gayle Pascual at Zamantha Nolasco ang opensa para sa Lady Tamaraws na ipinaramdam agad ang lakas sa unang dalawang sets.

Kumana si Nolasco ng 12 puntos habang sumuporta naman ng 7 puntos si Pascual.

Nasungkit ni Mary Rhose Dapol ng University of Perpetual Help System DALTA ang MVP of the Conference, napunta kay Christine Ubaldo ng FEU ang best setter habang  sina Gentapa at Kiesha Dazzie Bedonia (FEU) ang nahirang na best outside spikers.

Sina Nolasco at Riza Nogales ng UE ang best middle blockers at si Pascual ang best opposite spiker, best Libero naman si Marian Tracy Andal ng Perpetual.

Show comments