^

PSN Palaro

Pinas kumubra ng 1 bronze

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinas kumubra ng 1 bronze
Ang pamatay na porma ni Pinoy wushu artist Jones Llabres Inso para sa bronze medal sa 19th Asian Games.
PSC

Ibinigay ni Inso

MANILA, Philippines — Hindi nabakante sa medalya ang Team Philippines kasabay ng ratsada ng mga atleta ng boxing at tennis sa 19th Asian Games kahapon sa Hangzhou, China.

Tansong medalya ang kinuha ni Jones Lla­bres Inso sa men’s tai­jiquan+taijijian event na ibinulsa rin ni taekwondo jin Patrick King Perez sa men’s individual poomsae noong Linggo.

Sa nakaraang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia noong Mayo ay walang nasikwat na medalya ang tubong La Trinidad, Benguet sa kanyang event.

Hindi naman pinalad sa medalya si skateboarder Jericho Francisco Jr. at ang 9-anyos na si Mazel Paris Alegado sa finals ng park event matapos pumang-apat at pang-pito sa men’s at women’s division, ayon sa pagkakasunod.

Papagitna ngayon si 2018 Asiad champion Margielyn Didal sa women’s street heat at sina Mark Renzo at John Flory sa men’s street heat.

Sa rowing, tumapos si Joanie Delgaco sa fifth place sa finals ng women’s single sculls sa kanyang oras na 8:5.93.

Sa boxing, sumuntok ng tiket sa round of 16 si Tok­yo Olympic bronze medalist Eumir Felix Marcial mula sa 5-0 pagrapido kay Dalai Gadzorig ng Mongolia sa men’s 80 kilogram class.

Talo si Tokyo Olympian Irish Magno, 0-5, kay Nigina Uktamova ng Uzbekistan sa women’s 54 kg.

Sa tennis, itinala ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang unang panalo sa kanyang Asiad debut mula sa 6-0, 6-0 dominasyon kay Sarah Ibrahim Khan ng Pakistan.

Samantala, sasalang ang Gilas Pilipinas ni coach Tim Cone kontra sa Bahrain ngayong ala-1:30 ng hapon habang wagi ang Gilas U23 team sa Jordan, 13-8, sa men’s 3x3 event.

Walang koponan ang Pinas sa women’s 3x3 matapos ibasura ng mga organizers ang apela na ipalit sina Cielo Pagdulagan at Marga Villanueva sa mga may injury na sina Camille Clarin at Angel Surada.

Pumuwesto si Fil-Canadian swimmer Kayla Sanchez sa sixth place sa finals ng women’s 50m backstroke.

Sa judo, napatalsik sina Kiyomi Watanabe, Keisei Nakano, Rena Furukawa, John Ferrer at Ryoko Salinas sa kanilang mga dibisyon.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with