MANILA, Philippines — Lalaban nang sabayan ang mga Altas sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament.
Ito ang deklarasyon ni University of Perpetual Help System Dalta coach Michael ‘Myk’ Saguiguit ilang araw bago ang pagbubukas ng torneo.
“We have seasoned players na, They have all played in the NCAA already, it’s a very good season for Team Altas to get a win and win the first game,” wika ni Saguiguit.
Sa kanilang 7-11 record sa nakaraang NCAA Season 98 ay tumapos sa pang-pito ang Perpetual.
Tumulong sa Altas si PBA MVP, Gilas Pilipinas standout at Perpetual alumnus Scottie Thompson sa pamamagitan ng pagbibigay ng sponsors.
“We are now in our final stage of preparation for defensive and offensive moves and conditioning,” dagdag ni Saguiguit.
Sa pagkawala nina Kim Aurin, Lean Martel, Jef Egan at Steven Flores ay sasandal ang Altas sa kanilang mga holdovers at kina rookies Angelo Gelsano, Justin Thompson at Bryle Mascariñas na nagmula sa Junior Altas at Joshua Ramirez na galing sa Adamson University.
Ang mga holdovers ay sina Jielo Razon, Jasper Cuevas, Mark Denver Omega, Arthur Roque II, Cyrus Nitura, Carlo Ferreras, Joey Barcuma, John Cedric Abis at JP Boral.
Aasa rin ang Las Piñas City-based squad kina Nathaniel Sevilla, Jearico Nuñez, Christian Pagaran, Shawn Orgo at Richard Movida.