^

PSN Palaro

Obiena, Didal flag bearers ng Team Philippines sa Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Obiena, Didal flag bearers ng Team Philippines sa Asiad
Margielyn Didal at Ernest John Obiena

MANILA, Philippines — Sina World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena at Pinay skateboarder Margielyn Didal ang magi­ging flag bearers ng Team Philippines sa pagbubukas ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ito, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ay kung puwedeng dalawa ang tu­mayong flag bearer sa ope­ning ceremony ng quadrennial event na naka­takda sa Setyembre 23.

“Depende kung male or female. Siyempre kung women si Margielyn, kung men si EJ. If both men and women, they are in,” wika ni Tolentino. “They were both informed.”

Si Obiena ay ang unang Pinoy athlete na nag-qualify para sa 2024 Olympic Games na idaraos sa Paris, France.

Isa ring Southeast Asian Games at Asian gold medalist ang 6-foot-2 na si Obiena na kasaluku­yang hawak ang national at Asian records.

Isa naman si Didal sa limang atletang kumolek­ta ng gintong medalya sa nakaraang Asiad na ginanap sa Indonesia noong 2018.

Ang tatlo ay sina Tokyo Olympics gold medal winner Hidilyn Diaz-Naranjo sa weightlifting at golfers Yuka Saso, Bianca Pagda­nganan at Kaye Lois Go.

Isang double gold me­da­list ang Cebuana skater no­ong 2019 Southeast Asian Games.

Sa kanyang paglahok sa Tokyo Olympics ay tumapos si Didal sa pang-pito sa women’s street skate.

Sina Obiena at Didal ay sasabak sa Hangzhou meet.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with