^

PSN Palaro

Gilas sumulong sa No. 38 sa FIBA rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas sumulong sa No. 38 sa FIBA rankings
Jordan Clarkson and Chot Reyes
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Matayog pa rin ang lipad ng Gilas Pilipinas na tumalon sa FIBA ranking sa kabila ng hindi magandang kampanya nito sa katatapos na FIBA World Cup.

May dahilan pa rin ang Pinoy fans na magdiwang dahil mula sa dating ika-40 puwesto, lumundag ito ng dalawang puwesto para okupahan ang ika-38 posis-yon sa FIBA ranking.

Malaking tulong ang isang panalo ng Gilas Pilipinas sa limang pagsalang nito sa FIBA World Cup na ginanap sa bansa.

Nagtala ang Pinoy cagers ng 21 puntos na panalo kontra sa China sa kanilang huling asignatura para magarbong tapusin ang kampanya nito tangan ang 1-4 marka.

Malaki ang ini-angat ng reigning FIBA World Cup champion Germany na pinamunuan ni Dennis Schroder na sumulong sa Top 3 position.

Kasalukuyang may 759.7 ranking points ang Germany.

Matikas na winalis ng Germany ang lahat ng walong asignatura nito para masikwat ang kampeonato.

Pinataob ng Germany ang Serbia sa gold-medal match.

Sa kabila ng kabiguang makahirit ng medalya, nabawi ng Amerika ang No. 1 spot para ungusan ang Spain na nalaglag sa ikalawang puwesto.

Tumapos ang USA sa ikaapat na posisyon matapos matalo sa Canada sa battle-for-bronze match sa FIBA World Cup.

Umakyat ang Canada sa No. 6 spot mula sa dati nitong puwesto na No. 15.

Nasa ikawalo na ang Latvia mula sa dating No. 30. Ang South Sudan naman ay nasa No. 30 na mula sa dating No. 63.

Ang Japan naman ay nasa ika-26 posisyon na habang ika-28 ang Lebanon.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with