Navotas, Marikina namuno sa EABL

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Smash Navotas at RPBY Marikina sa ikalawang sunod na pa­nalo matapos talunin ang mga karibal sa East Asia Basketball League (EABL) 23-Under Championships sa Brgy. Jesus Dela Pena Gym sa Marikina City.

Tinakasan ng Navotas ang Olivarez via double overtime, 98-93, tampok ang inihulog na 21 points ni Vincent Ti­bang.

Nagdagdag si Patrick Ziolo ng 18 markers, 2 assists at 3 steals para sa ka­­nilang ratsada sa ligang inorganisa ng EABL sa pamumuno ni chairman Jo­seph Jocson at katuwang ang Batang Maynila Inc. at Klin-C.

Itinakas naman ng Ma­ri­kina ang 95-94 overtime victory laban sa Taytay Smiles para makasosyo ang Navotas sa liderato.

Humataw si Aron Estacio ng 25 points para pamu­nuan ang Shoemakers.

Nagmula ang RPBY Ma­rikina sa 82-79 pagdaig sa Mapua 512 Trading Inc. sa pagsisimula ng liga.

Ikinatuwa ng EABL ang suportang ipinagkaloob ni dating PBA star at le­gend Alvin Patrimonio na personal na hinikayat ang mga kabataan na suportahan ang mis­yon ng liga na mapaunlad ang basketball grassroots program.

Magpapatuloy ang ak­syon sa Sabado kung saan maghaharap ang Mapua 512 Trading Inc. at Asiatech Jaguar sa alas-4 ng hapon kasunod angb upakan ng Olivares at Selection Makati sa alas-5:30.

Mapapanood nang live ang EABL via livestrea­ming sa official Facebook page ng liga na https://www.facebook.com/EastAsiaBasketballLeague.

Show comments