Dating tiga-NBA na si Thomas Robinson, import na ng NLEX

Thomas Robinson

MANILA, Philippines – Matutuloy na ang paglalaro ni NBA standout Thomas Robinson sa PBA subalit hindi para sa San Miguel Beer na unang team sana na sasalangan nito.

Nasungkit ng NLEX ang serbisyo ng NBA veteran forward para sa 48th PBA Season na magsisimula muna sa COmmiss’oner's Cup, ayon kay anunsyo ng koponan kahapon.

Noong nakaraang sana unang sasabak sa PBA si Robinson para sa Beermen subalit hindi natulay nang madale ng injury kaya pinalitan ni Diamond Stone.

Ngayon, handa na ulit ang 32-anyos na forward matapos ang impresibong kampanya para sa Leones de Ponce sa Puerto Rico.

Siya ang pinakabagong dating NBA player na sasabak para sa Road Warriors kasunod nina KJ McDaniles, Earl Clark at Jonathan Simmons.

Dating No. 5 overall pick si Robinson ng Sacramento Kings noong 2012 NBA Rookie Draft bago maglaro sa Houston Rockets, Portland Trailblazers, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets at Los Angeles Lakers.

Sasahog si Robinson sa pambatong cast ng imports sa pangunguna nina Justin Brownlee ng reigning champion Barangay Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng Talk ‘N Text para sa PBA Commissioner’s Cup na lalarga sa Nobyembre 5.

Naurong ang opening ng PBA mula sa Oktubre 15 dahil sa kampanya ng Gilas Pilipinas tampok ang PBA players at coaches sa pangunguna ni Ginebra coach Tim Cone sa Asian Games sa Hangzhou, China.

Show comments