Doncic gumawa ng World Cup history
MANILA, Philippines — Walong laro lamang nakita si Luka Doncic sa kanyang FIBA World Cup debut para sa kampanya ng fifth-placer na Slovenia.
Ngunit ipinakita niya ang ‘Luka Magic’ nang humakot ng kabuuang 216 points bilang pang-apat na player na gumawa nito sa world championship.
Ang naunang tatlong players ay sina South Korean star Shin Dong Pa (261 points) sa pitong laro noong 1970, Niko Galis (337 points) ng Greece sa anim na laro noong 1986 at Drazen Petrovic (252 points) ng Yugoslavia sa walong laro sa parehong taon.
“He’s our wonder boy. He deserves to be among those big names. He showed at every game, every practice what kind of kid he is,” sabi ng kanyang Slovenian teammate na si Zoran Dragic. “And he’s gonna accomplish even more in his career.”
Ang 24-anyos na si Doncic din ng Dallas Mavericks ang unang player sa nakalipas na 30 taon na tumapos na may higit sa 200 points, higit sa 50 rebounds at higit sa 40 assists sa isang World Cup campaign.
Humakot din ang Dallas Mavericks superstar ng 57 rebounds at 49 assists sa kanyang unang World Cup appearance.
Tinapos ni Doncic ang FIBA World Cup sa kanyang mga averages na 27.0 points, 7.1 boards at 6.1 assists para sa 5-3 win-loss record ng Slovenia.
- Latest