^

PSN Palaro

Gilas solido pa rin sa Asian Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas solido pa rin sa Asian Games
Angelo Kouame

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players, solido pa rin ang Gilas Pilipinas na sasabak sa 2023 Asian Games na idaraos sa Hangzhou, China simula sa Setyembre 23.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, pito sa naturang miyembro ng Gilas Pilipinas ay lumaro sa FIBA World Cup.

Naisumite na ng POC ang pangalan ng mga lalaro sa Asian Games dahil noon pang Hulyo 25 ang huling araw ng pagpapasa ng Entry By Names.

Justine Brownlee

Kung may pagbabagong gagawin, hihilingin ito ng POC sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee upang mapalitan ang pangalan ng mga hindi makalalaro sa Asian Games.

“The deadline for the Entry by Names (EBN) was last July 25 and whatever list a national Olympic committee submitted is deemed official,” ani Tolentino.

Nangunguna sa lista­han sina naturalized pla­yers Justin Brownlee at Angelo Kouame.

Sa Asian Games, pina­hihintulutan ang mga naturalized players dahil valid Philippine passport lamang ang kailangan para makalaro ang mga ito.

Parehong may Philippine passport sina Brownlee at Kouame.

“Only the passport,” ani Tolentino.

Kasama sa listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sina World Cup veterans Kiefer Ra­vena, Scottie Thompson, Roger Pogoy, June Mar Fajardo, JR Perez, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo.

Pasok din sina Chris Newsome, Calvon Oftana at Brandon Rosser.

Hindi nakalista sa Team Philippines sa Asian Games sina Dwight Ramos, Renz Abando, Kai Sotto, AJ Edu at naturalized player Jordan Clarkson.

Sina Gilas head coach Chot Reyes at assistant coach Tim Cone naman ang nasa c­oaching staff.

Nagpulong na kahapon ang SBP at PBA kasama ng ibang stakeholders upang pagdesisyunan ang magiging lineup ng Pilipinas sa Asiad.

BASKETBALL

JUSTINE BROWNLEE

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with