MANILA, Philippines — Ibinulsa ng Italy ang quarterfinals ticket matapos talunin ang Puerto Rico, 73-57, sa second round ng 2023 FIBA World Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Humataw sina Giampaolo Riccia at Stefano Tonut ng tig-15 points para pamunuan ang mga Italians sa ikaapat na panalo sa limang laro kasunod ang Serbia (3-1), Dominican Republic (3-1) at Puerto Rico (3-2) sa Group I.
Kumolekta si Utah Jazz forward Simone Fontecchio ng 12 points at 12 rebounds
Ito ang unang quarterfinals appearance ng Italy sa World Cup sapul noong 1998.
Gagawin ang quarterfinals sa MOA Arena sa Pasay City.
Nalasap ng mga Puerto Ricans ang kanilang pang-13 kabiguan sa 14 nilang paghaharap ng mga Europeans, ang pito rito ay sa World Cup.
Ang nag-iisang tagumpay ng Puerto Rico sa Italy ay noong 1963 world championship edition.
Ang iba pang swak sa quarterfinals ay ang USA (4-0) at Lithuania (4-0) sa Group J at ang Slovenia (4-0) at Germany (4-0) sa Group K.