MANILA, Philippines — Desidido si naturalized player Jordan Clarkson na muling suotin ang Gilas Pilipinas jersey sa susunod na edisyon ng FIBA World Cup sa 2027.
Kung papalaring makapasok ang Pilipinas sa 2027 edisyon ng FIBA World Cup, handa ang NBA star na gawin ang lahat upang makasama ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito.
“I don’t think this is my last performance in this jersey, I think I got more time. Still can hoop. So yeah, I can’t even tell you what I’m eating in the morning. But, yeah, hopefully, down the line when that time comes, I’m around again, I may put this jersey on and represent the country,” ani Clarkson.
Alam naman si Clarkson na magiging malaking factor ang edad.
Nasa 31-anyos na ito sa kasalukuyan.
Sa 2027, nasa 35 anyos na ito — ang karaniwang edad kung saan bumabagal na ang isang atleta anuman ang sport nito.
Ngunit hindi ito magiging problema para kay Clarkson.
“Yeah, I think so. 35 ain’t no- I thought 30 is the new 20, right. I still feel young,” ani Clarkson na humataw ng 34 puntos sa 96-75 paglampaso ng Gilas Pilipinas sa China noong Sabado.
Magarbo ang pagtatapos ng Gilas kung saan solido ang naging laro nito sa pangunguna ni Clarkson.
Nagpakawala si Clarkson ng limang tres sa buong panahon ng laro habang may 20 puntos ito sa third quarter para makalayo ng husto ang Pinoy squad.