Dwight Ramos special ang birthday

Kasabay ng unang panalo ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup ay ang birthday celebration ni Dwight Ramos.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Masaya ang naging selebrasyon ni Dwight Ramos sa kanyang ika-25 kaarawan dahil sa panalo ng Gilas Pilipinas laban sa China sa huling araw ng classification round ng FIBA World Cup .

At naging mas espesyal pa ito dahil sa mga fans sa Smart Araneta Coliseum na binigyan siya ng mainit na pagbati sa pamamagitan ng pagkanta ng ‘Happy Birthday.’ Kaya naman hindi nito makakalimutan ang araw na ito.

“It’s a really great ex­perience, it’s my first World Cup and I’m gonna take all these games, all these pla­yers I’ve played against and had to guard,” ani Ramos.

Matapos ang kampan­ya sa FIBA World Cup, nais ni Ramos na mag-ce­lebrate kasama ang kanyang pamilya at ang ka­sintahang si volleyball player Kim Kianna Dy.

Magiging abala na si Ramos sa mga susunod na linggo dahil nakatakda na itong tumulak sa Japan para makasama ang Hokkaido Levanga para paghandaan ang Japan B.League season.

Hindi na makalalaro si Ramos sa Asian Games sa Hangzhou, China.

“Hopefully it helps me have a great  B.League season this year. That’s what I’m hoping for,” ani Ramos.

Masaya si Ramos sa naging karanasan nito sa FIBA World Cup na nais nitong dalhin sa kanyang pag­lalaro sa Japan B.League.

“It feels good. There’s a lot of good players, high-level basketball, and I’m coming into the B.League season with a lot of confidence and it should be good,” ani Ramos.  

Show comments