^

PSN Palaro

Gilas kailangan ng bagong lider, coach na may internasyonal na karanasan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Gilas kailangan ng bagong lider, coach na may internasyonal na karanasan
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Gilas Pilipinas pose for a photo during their debut match at the #FIBAWorldCup held at the Philippine Arena on August 25, 2023.
STAR / Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Gilas Pilipinas ng mga bagong lider at mga coach na may internasyonal na karanasan upang magwagi na sa mga susunod na pagsabak sa mga kumpetisyon matapos ang sunud-sunod na pagkatalo sa FIBA World Cup 2023.

Ito ang binigyang diin ni 3rd District Manila Rep. Joel Chua, isang abogado at sports advocate na nanghihinayang sa husay ng mga players ng Gilas Pilipinas pero sa kabila nito ay natalo dahil sa mahinang taktika sa pag-coach sa game.

Sa kabila nito, sinabi ni Chua na nagpapasalamat siya at nagpupugay sa buong koponan ng Gilas Pilipinas. Ang Gilas Pilipinas ay natalo sa kanilang laban sa Angola, Dominican Republic, Italy at South Sudan.

Ayon kay Chua, wala pa ring panalo ang Gilas sa FIBA World Cup habang ang Japan ay pangalawa na at sa pagkakataong ito ay sasabak naman ang mga ito laban sa Venezuela. Dahil sa pagkatalo ng Gilas ay posibleng masungkit ng Japan ang Paris 2024 slot para sa Asya.

“AJ Edu, Dwight Ramos, and Jordan Clarkson have been consistently better players. They deserve the accolades, really. Edu and Ramos, especially because they have shown the world, including the NBA and the leagues in Europe and Asia, what they can do”, ani Chua na sinabing sayang naman ang talent ng nasabing mga basketball players ng Gilas.

Sinabi ni Chua na ang head coach ng Gilas Pilipinas bago ang laban ay nagsabi pang ang ticket sa Olympics ang kanilang hangad sa umpisa pa lamang pero nabigo ang koponan na sunud-sunod ang pagkatalo na labis na ikinadismaya ng mga Pinoy fans.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with