Pacquiao binisita ng Italian coach at 3 NBA stars
MANILA, Philippines — Tatlong NBA superstars at isang italian coach ang bumisita kay Filipino boxing icon Manny Pacquiao sa kanyang mansyon sa Makati City sa kasagsagan ng 2023 FIBA World Cup..
Matapos si Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves at Dominican Republic at Italian head coach Gianmarco Pozzecco ay sina Golden State Warriors shooting guard Klay Thompson at center Kevon Looney naman ang naging panauhin ni Pacquiao.
Nasa bansa sina Thompson at Looney para saksihan ang finals ng ANTA Shock The Game at ang paglulunsad ng kabiyak ng ‘Splash Brothers’ ng kanyang latest signature shoe sa sports brand na KT9.
Sinabi nina Thompson at Looney na isang malaking karangalan ang mabisita ang Filipino world eight-division champion.
Ang pagpunta ng dalawang player ng Warriors sa mansyon ni Pacquiao ay nataon na naroon din si actress Ruffa Gutierrez at anak nitong si Venice at nanay na si Annabelle Rama.
“Halfway through dinner while watching the FIBA World Cup with Sen. Manny Pacquiao, mom & Venice, four-time NBA champion superstar Klay Thompson of the Golden State casually walked in with Kevon Looney,” ani Ruffa.
- Latest