Bagong liga hihimayin sa TOPS ‘Usapang Sports’

Rizal Memorial Coliseum
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bibisita ang isang bagong basketball league sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Ilalahad ng East Asia Basketball League (EABL) ang kanilang adhikain ngayong alas-10:30 ng umaga sa lingguhang sports forum na itinatagu­yod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Pamumunuan ni EABL chairman Dr. Joseph Ross Jocson ang mga opis­yal at kinatawan ng mga koponan na sasabak sa school-based grassroots basketball league na magsisimula sa Setyembre 2 sa Marikina City.

Inaanyayahan ni  TOPS president Beth Re­pizo-Meraña, editor ng PSNgayon at PM Pang Masa, ang mga miyembro, opis­yal at mga basketball fans na makiisa sa talakayan sa programang mapapanood din via live streaming sa official Facebook page na TOPS Usapang Sports at sa Channel 8 ng pinakabagong mobile app network na Pinoy Ako (PIKO).

Show comments