Bagong liga hihimayin sa TOPS ‘Usapang Sports’
MANILA, Philippines — Bibisita ang isang bagong basketball league sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Ilalahad ng East Asia Basketball League (EABL) ang kanilang adhikain ngayong alas-10:30 ng umaga sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Pamumunuan ni EABL chairman Dr. Joseph Ross Jocson ang mga opisyal at kinatawan ng mga koponan na sasabak sa school-based grassroots basketball league na magsisimula sa Setyembre 2 sa Marikina City.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Meraña, editor ng PSNgayon at PM Pang Masa, ang mga miyembro, opisyal at mga basketball fans na makiisa sa talakayan sa programang mapapanood din via live streaming sa official Facebook page na TOPS Usapang Sports at sa Channel 8 ng pinakabagong mobile app network na Pinoy Ako (PIKO).
- Latest