^

PSN Palaro

MOA may pasabog para sa World Cup

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
MOA may pasabog para sa World Cup
Smart lights up MOA ball for FIBA Basketball World Cup 2023: FIBA Basketball World Cup 2023 global partner Smart Communications Inc. has transformed the SM Mall of Asia Ball into a giant bas ketball with a hoop to welcome the world’s biggest basketball tournament in Manila from Aug. 25 to Sept. 10. To make sure basketball fans can post and share their favorite gameplays with the world instantly, Smart teamed up with Huawei and Ericsson to further expand and optimize its LTE and 5G mobile network coverage across all FIBA Basketball World Cup venues, including Smart-Araneta Coliseum in Quezon City, SM Mall of Asia Arena in Pasay and the Philippine Arena in Bulacan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May higanteng patikim ang Pilipinas para sa papalapit na FIBA World Cup hosting nito sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Sa isang pambihirang transpormasyon ay ini­lunsad ang pamosong Mall of Asia Arena globe bilang malaking bola na swak sa ring para sa World Cup na iko-co-host ng Pilipinas kasama ang Indonesia at Japan.

Sakto ito sa pagda­ting ng mga fans at teams ng 32-team World Cup kasama na ang mga opis­yal ng lagpas 200 international federations para sa FIBA World Congress na gaganapin din bago ang mismong mga laro.

Sa Pilipinas din gaga­napin ang FIBA Hall of Fame ceremony tampok si Caloy Loyzaga, ang ikinukunsiderang Greatest Filipino Player of All Time, bilang isa sa mga inductees.

Bilang main host ay 16 teams ang natoka sa Pinas na nahati sa apat na grupo.

Bida sa Group A ang Gilas Pilipinas kasama ang Group B sa Smart Araneta Coliseum habang ang Group C, sa pangunguna ng Team USA, at Group D ay sa MOA.

Ang MOA rin ang magsisilbing host ng final phase kabilang ang championship kaya doon naka-display ang higanteng bola na dagdag atraksyon para sa mga fans.

Sa MOA lilipat ang mga teams na aabante mula sa Araneta pati na sa Jakarta, Indonesia at Okinawa, Japan ng three-nation World Cup hosting.

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with