^

PSN Palaro

Eala kampeon sa W25 Roehampton

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala kampeon sa W25 Roehampton
Pinagreynahan ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang W25 Roehampton matapos talunin si Australian second ranked Arina Rodionov sa finals.

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ni No. 6 seed Alex Eala ang korona ng W25 Roehampton matapos gibain si Australian second ranked Arina Rodionova, 6-2, 6-3, sa National Tennis Centre sa Great Britain.

Ito ang ikaapat na s­ingles title ng 18-anyos na Pinay tennis sensation sa ITF Women’s World Tennis Tour ngayong taon.

Idinagdag niya ang W25 Roehampton crown sa nauna niyang nakamit na tropeo sa 2023 W25 Yecla sa Spain, 2022 W25 Chiang Rai sa Thailand at 2021 W15 Manacor sa Mallorca.

Sunod siyang sasabak sa British event ng W25 Aldershot.

Inihandog ni Eala ang panalo sa kanyang mga magulang na mag­diriwang ng ika-25 anibersaryo.

“ITF Pro Title #4! I Just in time for my parents 25th Anniversary tomorrow! Love you mom and dad,” sabi ni Eala, ang World No. 250 ranked sa kanyang panalo sa World No. 166 na si Rodionova.

Ang 33-anyos na si Rodionova ay isang 13-time ITF titlist.

Nauna niyang tinalo sina WTA World No. 208 at third-seeded Arianne Hartono ng Netherlands sa semis, World 201 ranked top seed Priscilla Hon sa quarterfinals, World No. 289 Destanee Aiava sa second round at World No. 781 qualifier Gabriella Da Silva Fick sa first round.

Samantala, bigo ang two-time junior Grand Slam doubles champion at ang katambal na si Aiava kina No. 1 seeds at eventual runners-up Talia Gibson at Petra Hule ng Australia, 1-6, 5-7, sa quarterfinals ng doubles.

SPORTS

TENNIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with