Dating Mavericks player ipaparada ng Magnolia sa Commissioner’s Cup
MANILA, Philippines — Kuntento na si coach Chito Victolero sa frontline ng Magnolia, kaya isang forward ang kinuha nilang import para sa 2023 PBA Commissioner’s Cup na didribol sa Oktubre 15.
Ipaparada ng Hotshots sa nasabing import-flavored conference si 6-foot-7 Tyler Bey na hinirang na No. 36 overall pick ng Dallas Mavericks noong 2020 NBA Draft.
Makakatulong si Bey kina veteran big men Ian Sangalang, Rafi Reavis at James Laput sa puwersa ng Magnolia sa shaded lane.
“He can also play either shooting guard or small forward and he has an inside-outside game,” ani Victolero sa 25-anyos na si Bey na dating kamador ng Colorado University Buffaloes.
Ang height limit para sa mga imports sa PBA Commissioner’s Cup ay 6’9.
Inaasahang darating si Bey sa ikalawang linggo ng Setyembre para simulan ang pakikipag-ensayo sa Hotshots.
Huling nagkampeon ang Magnolia noong 2018 Governor’s’ Cup, kaya naman uhaw na uhaw sila sa korona.
- Latest