EABL Philippines Youth League Invitationals sa September 2

MANILA, Philippines —  Ilulunsad ng East Asia Basketball League (EABL) ang Philippine Youth Basketball League 23-and-Under Open Invitational Con­ference sa Setyembre 2 sa covered court ng Brgy. Jesus Dela Pena Gym sa Ma­rikina City.

Ang bagong liga ay isang Inter-town at school-based na inorganisa ng EABL sa pamumuno nina Founder at Sports CEO Dr. Norman Afable at Batang Maynila chairman Dr. Jo­seph Ross Jocson.

“May mga kaibigan tayo sa iba’t ibang bansa na nag­­pahayag ng kanilang hangarin na makasali sa liga, gayundin ang maka­ha­­nap ng mga players na puwedeng maglaro sa ka­nilang mga liga,” wika ni Afable.

Kasama nila sa Exe­cu­­tive Committee sina US-based coach Ricky Ma­gallanes, FIBA international referee Roger Basillio bilang league Commissioner, FIBA referee at Commissioner Reynaldi Manalac, Thailand-based coach at Commissioner Jojo Castillo, AFP Philippines coach at Commissio­ner Sonny Ma­nucat, FIBA Internatio­nal Head Technical at Commissioner Lito Macaspac at Bishop Ceasar Pacis, ang Missionary Pastor at Spiritual Leader.

Layunin ng liga na ma­kadiskubre at mahubog ang talento ng mga kabataan, lalo na ang out-of-school youth upang ma­big­yan ng pagkakataong ma­kaba­ngon sa buhay at maitaas ang antas ng ka­a­laman at kasanayan sa bas­ketball.

Kabilang sa mga lalahok sa EABL ay ang Taytay Smile City, SMASH Navotas, Sta. Rosa Asiatech Ja­guars, Makati Selection, RPBY East Dental Cli­nic Marikina, Fantastic San Pablo City at Mapua Cardi­n­als.

Bukod sa karangalan bilang unang kampeon ng liga ay paglalabanan din ang premyong P50,000 para sa grand champion at tropeo at medalya para sa second at third placers.

Show comments