Sotto sumalang na sa ilang drills

MANILA, Philippines — Nasagot na ang katanungan ng lahat kung maglalaro pa ba si Kai Sotto sa FIBA World Cup na papalo sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Nasilayan na ang 7-foot-3 cager sa ensayo ng Gilas Pilipinas noong Miyerkules ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kasama ni Sotto ang mga miyembro ng Gilas Pilipnas na galing sa matagumpay na kampanya sa pocket tournament sa Guangdong, China.
Sa isang video na lumabas sa social media, nakita si Sotto na sumabak sa shooting drills.
Inaasahang mas magiging matindi ang ensayo ng Gilas Pilipinas lalo pa’t ilang araw na lamang ang nalalabi bago magsimula ang FIBA World Cup.
Magandang indikasyon din ito dahil dumating na rin sa Maynila si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na nag-aadjust na lamang sa time zone.
Galing ng Los Angeles, California si Clarkson ngunit inaasahang magiging mabilis ang pag-agapay nito sa oras sa Pilipinas dahil ilang araw din itong nakapagpahinga.
Matapos dumating sa Maynila noong Martes, nakipagkita si Clarkson sa ilang opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kabilang na si chairman emeritus Manny V. Pangilinan.
Kulang na kulang na sa oras ang Gilas Pilipinas kaya’t asahan ang matinding ensayo ng tropa sa mga susunod na araw.
“Let’s go out there and play our best because if we’re not at our best, we won’t stand a chance against these opponents,” ani Reyes.
- Latest