Clarkson out sa China tourney
MANILA, Philippines — Walang Jordan Clarkson na masisilayan sa pocket tournament ng Gilas Pilipinas sa Guangdong, China.
Ito ang kinumpirma ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes kung saan direkta nang tutungo ang NBA star sa Maynila.
Nakatakdang umalis sa Amerika si Clarkson sa Agosto 6 at darating sa Maynila sa Agosto 8.
“He’s (Clarkson) initially, we thought he’s arriving August 6, but turns out he’s leaving LA on August 6. He won’t play in China. He might just go straight here in Manila,” ani Reyes.
Nais sana ni Reyes na makasama ng Gilas Pilipinas si Clarkson sa China pocket tournament upang makabuo agad ito ng chemistry sa kanyang teammates.
Dalawang linggo na lamang ang nalalabi bago magsimula ang FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kung saan unang makakaharap ng Pinoy cagers ang Dominican Republic.
Subalit kampante naman si Reyes dahil malalim ang karanasan ni Clarkson.
“Jordan knows what we’re doing. He’s not like he’s coming in blind, or coming in for the first time. He knows what we’re doing. He’s an NBA player, he’s a professional,” ani Reyes.
Kailangan ni Clarkson na mabilis na makapag-adjust sa oras na makasama ito ng Gilas Pilipinas sa huling bahagi ng training camp nito.
- Latest