Valdez thankful sa teammates
MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ni Creamline team captain Alyssa Valdez dahil nakabalik ito sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference matapos ang pitong buwan na rehabilitasyon dahil sa kanyang injury.
Tinukoy nito ang kanyang teammates at coaching staff sa mga pangunahing tumulong upang mabilis itong makabalik sa paglalaro sa Invitational Conference.
Ilang matitikas na laro ang ipinamalas ni Valdez dahilan para makuha nito ang Second Best Outside Hitter award.
Hindi inaasahan ni Valdez na magkakaroon ito ng award.
“I didn’t really expect na makakakuha ako ng award. It was really because of my teammates, grabe support nila. I think I wouldn’t be able to overcome these things, challenges if not for them and my coaches so it’s really for everyone,” ani Valdez.
Nagkasya lamang sa runner-up ang Cool Smashers matapos yumuko sa Kurashiki Ablaze sa finals.
Malungkot si Valdez na hindi ito nakapaglaro sa krusyal na fifth set.
“I’m very happy I’m able to actually play games. It’s just so sad that I couldn’t finish the conference physically,” ani Valdez.
Ibinangko si Valdez sa fifth set kung saan ipinalit si Michele Gumabao sa lineup.
Gayunpaman, nais ni Valdez na gawin itong motibasyon sa kanyang mga susunod na laro.
“I’ve learned so much. I’m just grateful to be back on court with my teammates, and I think after this, there are a lot of reasons to improve more and really focus on getting back a hundred percent on the court,” wika ni Valdez.
- Latest