Evangelista, Janda nagningning sa PSL swim series

Ang mga gold medal winners kasama si PSL president Alex Papa at dating PSL Male Swimmer of the Year Marc Bryan Dula.
Chris Co

MANILA, Philippines — Binanderahan nina Philippine national junior record holder Aishel Cid Evanglista at Master Charles Janda ang mga gold medalists sa  Rebuil­ding Champions Class ABC and Novice Meet Swim Series National Finals kahapon sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

Nagparamdam ng la­kas si Evangleista matapos kumana ng dalawang gintong medalya sa boys’ 13-year division kung saan pinagharian nito ang 200m Individual Medley sa bilis na 2:19.00 at 50m butterfly sa oras na 29.74 segundo.

Hindi rin nagpahuli si Janda na sumikwat ng gintong medalya sa boys’ 14-year 50m butterfly matapos magtala ng 29.69 segundo at 200m IM sa bendisyon ng 2:28.60.

Naramdaman din ang puwersa nina Jamela Manocan at Nicole Kate Pardo na humirit ng gintong medalya sa kani-kanyang kategorya.

Wagi ng ginto si Manocan sa girls’ 14-year 200m IM (2:51.00) habang nama­yani naman si Pardo sa girls’ 15-year 200m IM (2:53.38).

Maliban kina Evangelista, Janda, Manocan at Pardo, nakasungkit din ng gintong medalya sina Rica Jane Ansale sa girls’ 10-year 100m IM (1:29.89), Milena Santos sa girls’ 11-year 100m IM (1:28.19), Hannah Baguio sa girls’ 12-year 100m IM (1:19.62),  Sebastian Alinsunurin sa boys’ 12-year 100m IM (1:19.91) at Xyryll Evangelista sa boys’ 8-under 100m IM (1:39.09).

Show comments