^

PSN Palaro

Magbabalik ang ‘glory days’ ng PHL bowling

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Magbabalik ang ‘glory days’ ng PHL bowling
Inungusan nina Art Barrientos, Stephen Luke Diwa, Marc Dylan Custodio at Singapore-based Zach Sales Ramin ang South Korea, 4933-4922, para maghari sa team event.
Pixabay

MANILA, Philippines — Dalawang gold medal ang pinagulong ng Philippine national boys’ team sa 21st Asian Youth Tenpin Bowling Championships sa Bangkok, Thailand.

Inungusan nina Art Barrientos, Stephen Luke Diwa, Marc Dylan Custodio at Singapore-based Zach Sales Ramin ang South Korea, 4933-4922, para maghari sa team event.

Nagdagdag ang 19-anyos na si Barrientos ng ginto sa kanyang ta­gumpay sa masters’ event matapos talunin si Blake Walsh ng Australia, 443-349.

Ang hospitality ma­na­gement student sa FEU Roosevelt ang naging u­nang Pinoy na nagkampeon sa masters matapos si Biboy Rivera noong 1986 edition sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Ang bowling naman hanggang ngayon is still evolving talaga. And I believe right training and proper support will be good enough, we could bring back the glory days of bow­ling in our country,” sabi ni Barrientos kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Sa kasamaang palad ay hindi maidedepensa ng grupo ang kanilang mga korona sa 2025 edition ng torneo sa Kuala Lumpur, Malaysia. 

BOWLING

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with