^

PSN Palaro

Blu Girls inaalat sa Women’s Softball World Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blu Girls inaalat sa Women’s Softball World Cup
The RP Blu Girls
Asia Softball

MANILA, Philippines — Nalasap ng RP Blu Girls ang ikalawang sunod na kabiguan sa Group C matapos ang 0-13 pagyukod sa World No. 2 Japan sa 2023 Women’s Softball World Cup sa Buttrio, Italy.

Nagmula ang mga Pinay clouters sa 0-5 pagkatalo sa Canada kamakalawa.

Nagbigay si starting pitcher Celyn Ojare ng pitong runs sa mga Japanese batters habang may tig-tatlo sina Glory Alonzo at Ann Antolihao.

Nakatakdang labanan ng Blu Girls ang Venezuela kasunod ang host Italy.

Apat na innings lamang ang kinailangan ng Japan para sa nasabing demolisyon sa Blu Girls.

Pumalo ang mga Japanese ng pitong runs sa first inning, kasama rito ang isang inside-the-park homerun ni Kyoko Ishikawa.

Anim pang runs ang kanilang inihataw sa se­cond inning para sa 13-0 pagbaon sa mga Pinay.

Nakapasok ang Blu Girls sa Softball World Cup matapos ang top four finish sa nakaraang Women’s Softball Asia Cup.

Pinaglalabanan ng Italy, Japan, New Zealand at Venezuela ang two spots sa final round na lalaruin sa susunod na taon.

Swak na ang nagdedepensang United States kasama ang Australia, Puerto Rico at Netherlands.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with