^

PSN Palaro

Philippine table tennis team sasabak sa 2 torneo

Pilipino Star Ngayon
Philippine table tennis team sasabak sa 2 torneo
Ting Ledesma
STAR/File

MANILA, Philippines — Sasalang sa dalawang malaking international tournaments ang Philippine national table tennis team sa Setyembre at Oktubre.

Naniniwala si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma na handa na ang mga Pinoy table netters sa pagsabak sa nasabing ma­jor international tournaments matapos ang im­pre­­sibong kampanya sa si­nalihang kompetisyon sa Bru­nei.

“We’re happy to say that table tennis is getting better and with the recent success of our national team for the past few months sa abroad,” ani Ledesma ka­hapon sa  Tabloids Organi­zation in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Ang national team ay bi­nubuo ng mga players na isinabak sa nakaraang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Hahataw sila sa Asian Championship sa Setyembre 3-10 sa South Korea at sa hosting ng bansa sa World Junior Championship sa Oktubre sa Puerto Princesa, Palawan.

“Malaki ang impact nito lalo na sa mga kabataan na patuloy na lumalaban pa­ra mapalakas ang table tennis,” dagdag ni Ledesma sa program ng PTTF ba­gama’t kulang sa pondo.

Binanggit din ng PTTF chief sa programang itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat na galing sa mga ka­ibigan, private sector at sa­riling pera ang gagamitin ng koponan sa pagsabak sa Asian Championships.

“Wala naman kaming problema sa PSC, pero pa­ra mas maging mabilis ang proseso sa participation namin, naghahanap na lang ako ng makakatulong,” wika ni Ledesma. “After that, ire-reinburse ko na lang iyong gastos. Kum­ple­to naman sa resibo. Kung palarin at maibalik, laking pa­sasalamat. Kung hindi, okay na rin.”

Si Philippine No.1 wo­men player Kheith Rhynne Cruz ang mamumuno sa national team sa Korea.

Nagmula ang 16-anyos na si Cruz sa pagbulsa ng dalawang gold medals (singles at doubles event) at pamunuan ang girls team sa silver sa team event sa SEA Youth table tennis championship sa Brunei.

TABLE TENNIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with