MANILA, Philippines — Ang husay ng mga Pinoy sa memory game at panalo ng table tennis sa international tournament ang tatalakayin sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa Conference Room ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Malate, Manila.
Ibibida ni Roberto Racasa, ang tinaguriang ‘Father of Philippine Memory Game’, ang galing ng mga Pinoy sa naturang sport sa lingguhang sports forum ngayong alas-10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Tatalakayin ni Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma ang naging tagumpay ng Philippine Team sa nakalipas na SEAG at age group tournament pati ang hosting ng World Junior table tennis championship sa Puerto Princesa, Palawan.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Meraña ng PSNgayon/PM Pang Masa ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiasts na makiisa sa programa na mapapanood din via liverstream sa TOPS Usapang Sports Facebook page at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) mobile apps.