^

PSN Palaro

Racasa, Ledesma panauhin sa TOPS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang husay ng mga Pinoy sa memory game at panalo ng table tennis sa international tournament ang tatalakayin sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa Conference Room ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) sa Malate, Manila.

Ibibida ni Roberto Racasa, ang tinaguriang ‘Father of Philippine Memory Game’, ang galing ng mga Pinoy sa naturang sport sa lingguhang sports forum ngayong alas-10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Tatalakayin ni Phi­lippine Table Tennis Fe­de­ration (PTTF) president Ting Ledesma ang naging tagumpay ng Philippine Team sa nakalipas na SEAG at age group tournament pati ang hosting ng  World Junior table tennis championship sa Puerto Princesa, Palawan.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Meraña ng PSNgayon/PM Pang Masa ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiasts na makiisa sa programa na mapapanood din via liverstream sa TOPS Usapang Sports Facebook page at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) mobile apps.

TOPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with