GAB nakipagkasundo sa 4 boxing commission
MANILA, Philippines – Nakipagkasundo ang Games and Amusements Board (GAB) sa Korea Boxing Commission (KBC), Japan Boxing Commission (JBC), Vietnam Boxing Organization (VBC) at Professional Boxing Commission of China (PBC) sa isang Declaration of Commitment kamakailan sa Grand Ho Tam Resort and Casino sa Vietnam.
Ang nasabing joint declaration ay nagsusulong ng ligtas, patas at transparent development ng professional boxing sa Asia bukod sa kooperasyon, pagkakaintindihan at mutual respect sa isa’t isa.
Layunin ng Declaration of Commitment na itaas ang antas ng boksing at mga prinsipyo nito.
Namuno sa pagpirma ng Declaration of Commitment sina GAB chairman Atty. Richard S. Clarin, KBC acting chairman Aaron Jang, JBC executive director Tsuyoshi Yasukochi, VBO chairman Lim Song at PBC president Samson Lu.
“Our objective is to promote and safeguard professional boxing as a whole, irrespective of nationality or origin,” sabi ni Clarin. “Our priority lies in ensuring the safety of all fighters and preserving the integrity of the sport.”
Sinelyuhan din nina Clarin at Song ang Memorandum of Understanding (MOU) na nagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Vietnam para sa kaunlaran ng professional boxing at organisasyon ng mga sporting events.
Labis na ikinagalak ni Clarin ang naturang pakikipagtulungan sa mga boxing organizations ng Vietnam, Korea, Japan at China.
Ang kolaborasyon ay magsusulong sa pangunahing adbokasiya ng GAB na ‘promote, professionalize, protect’ ang kapakanan ng mga professional athletes.
- Latest