^

PSN Palaro

Japanese riders nagdomina sa Asian BMX Championships

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binanderahan ni Japanese world champion Moto Sasaki ang freestyle competitions ng Asian Cycling Confederation (ACC) BMX Championships kahapon sa Tagaytay City.

Nagtala ang 38-anyos na si Sasaki ng 90.725 points para angkinin ang gold medal sa men’s flatland sa multi-purpose Tagaytay City Combat Center.

Sumegunda ang kanyang teammate na si Masato Ito na tumipa ng 88.00 points para sa silver kasunod si Pakphum Poosa Art ng Thailand na may 84.00 points.

Pumang-apat si Pinoy rider Dwyne Lopena (76.400) kasunod sina Georich Cardino (76.150) at Renz Viaje (74.100).

Nanguna rin si Japanese Sakura Kawaguchi sa women’s flatland sa kanyang 78.375 points kasunod ang kababa­yang si Kirara Nakagawa (77.925) para sa 1-2 finish sa event na kasama sa kalendaryo ng International Cycling Union (UCI) at Asian Cycling Confederation at pinamamahalaan ng PhilCycling at Tagaytay City sa pamumuno ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Kinumpleto ni Thai Sudarat Suvanich (71.700) ang women’s flatland podium para sa bronze kasunod si local bet Kristal Hernandez (67.450).

Samantala, pinagreynahan ni Chinese Yawn Deng ang women’s park sa kanyang itinalang 82 points kasunod ang kababayang si Gian Zheng (77) at Japanese Nene Naito (71.26) para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

BMX

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with