Gilas U16 Women’s team sasabak sa FIBA Asian Championships
MANILA, Philippines — Matapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA Asia Cup sa Australia ay sasabak naman ang Gilas Pilipinas Youth team sa 2023 FIBA U16 Women’s Asian Championship sa Jordan.
Ang mga miyembro ng national youth squad na sasalang sa torneo sa Hulyo 10 hanggang 16 ay sina Demicah Jaeriel Arnaldo, Sophia Anne Dominique Canindo, Isabella Rose De Jesus, Ariel Star De La O, Ava Camryn Fajardo, Scarlett Montana Mercado at Alyssia Rylee Palma.
Nasa koponan din sina Ryan Kelly Nair, Naima Navarro, Ma. Christina Aubrey Lapasaran, Kimi Shannon Lynn Sayson at Nevaeh Faith Smith.
Si coach Pat Aquino ang gagabay sa Gilas Pilipinas Youth na tumapos sa ikatlong posisyon sa nakaraang 2022 FIBA U16 Women’s Asian Championship.
Misyon ng tropa na manguna sa Division B para ma-promote sa Division A na nag-aalok ng tiket para sa FIBA U16 Women’s Asian Championship sa 2025.
Kasama ng mga Pinay dribblers sa Pool A ang Hong Kong, Maldives at host Jordan habang nasa Pool B ang Iran, Singapore, Guam at Malaysia.
Unang lalabanan ng Gilas Youth ang Hong Kong sa Hulyo 10 kasunod ang Maldives sa Hulyo 11 at ang Jordan sa Hulyo 12.
Ang top two teams sa bawat pool ang papasok sa semifinal stage habang mahuhulog ang iba sa classification phase.
- Latest