Gilas sosolusyunan ang ‘weak points’
MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga kabiguan sa tuneup games sa Europe, masaya si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes dahil maaga nitong nadidiskubre ang mga kahinaan ng kanyang tropa.
Bagay na tututukan nito upang agad na masolusyunan ilang linggo bago ang 2023 FIBA World Cup na hahataw na sa Agosto 25 sa Maynila.
Isa na rito ang paghanap sa tamang kumbinasyon.
“That’s part why we’re here — to figure out different combination, different lineups and to know that nothing is better than experience. Now that we have this first hand experience, the players should know better,” ani Reyes.
Para kay Reyes, walang naging problema sa shooting ng Gilas Pilipinas sa kanilang huling laro laban sa Lithuania kung saan lumasap ang Pinoy cagers ng 80-90 kabiguan.
Isang parte ang kinulang ang Gilas Pilipinas — ang solidong depensa kung paano pipigilan ang mga shooters ng kalaban.
Ngunit masaya si Reyes dahil natututo ang kanyang bataan lalo pa’t na-experience agad nito ang ganitong mga sitwasyon na posibleng maranasan din nito sa FIBA World Cup.
“That’s part of the learning process and lessons that we came here to know. We wanted to play a team who had five shooters because we wanted to see how we could get June Mar defending the ball against shooters,” ani Reyes.
Kailangan lang aniya na balansehin ang opensa at depensa upang mas ma-ging solido ang laro ng Gilas Pilipinas at magkaroon ng magandang resulta.
“We have to find balance that we are scoring well and defending well. We are not happy with the result but I’m very satisfied with the learning and lessons that we continue to pickup,” ani Reyes.
Sasabak pa ang Gilas sa ilang tuneup games at training camp.
- Latest