Dragon boat, golf, table tennis sa TOPS ‘Usapang Sports’
MANILA, Philippines — Ang mga pinakahuling balita sa golf, dragon boat at table tennis ang pag-uusapan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Vito Cruz, Malate, Manila.
Makakasama ni event organizer Darren Evangelista si Pasay City First Gentleman Edgardo ‘Egay’ Rubiano sa programa sa ganap na alas-10:30 ng umaga para talakayin ang idaraos na golf tournament at iba pang sports program ng Pasay City.
Ibibida naman ni Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) secretary general Len Escollante ang matagumpay na kampanya ng Philippine team sa abroad at ang pakikipagkasundo sa Marikina City at Palawan City para sa isasagawang mga international hosting at tournaments.
Sasamahan naman ni Table Tennis Federation chief Ting Ledesma sa programang itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweats ang mga pambatong table netters na humakot ng medalya sa katatapos na SEA Junior Championship sa Brunei.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng PSNgayon/PM ang mga miyembro at sports enthusiasts na makiisa sa talakayan na mapapanood din sa official Facebook page ng TOPS via livestreaming at sa Channel 8 at 45 ng Pinoy Ako (PIKO) broadcast mobile apps.
- Latest