MANILA, Philippines — Lalo pang palalakasin ng MILO Sports ang kanilang summer programs sa 20 sports para matulungan ang mga kabataan.
Sa katunayan ay palalawigin pa ng MILO ang kanilang mga aktibidad hanggang Setyembre, ayon kay MILO sports head Carlo Sampan kahapon sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.
“Our approach is that we are moving with the times. We know that raising champions is not an overnight endeavor,” ani Sampan sa kanilang decades-long partnership sa swimming, karatedo, basketball, volleyball, golf, gymnastics at running kasama ang jiu-jitsu, jump rope at ice-skating.
Dumalo rin sa forum na inihahandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, MILO, Philippine Olympic Committee at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sina Monica Jorge ng BEST Center para sa basketball at volleyball, Ral Rosario para sa swimming, Ricky Lim para sa karatedo at Jessie Guerrero para sa golf.
“Because there are schools that started their summer breaks either earlier or later, we plan to extend our summer program to three months,” ani Lim.
Pinasalamatan ng mga sports officials ang MILO para sa tuluy-tuloy na suporta nito sa gitna ng pandemya.
Tunay na malaki ang naitutulong ng MILO summer clinics para sa kinabukasan ng mga kabataan.