^

PSN Palaro

Back-2-back crown sa La Salle

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Back-2-back crown sa La Salle
Ang back-to-back champion EcoOil-La Salle.
PBA

MANILA, Philippines — Hindi na binigyan ng tsansa ng Green Archers na makahirit ang Red Lions.

Kinumpleto ng EcoOil-La Salle ang 2-0 sweep sa Marinerong Pilipino-San Beda matapos kunin ang 89-74 panalo sa Game Two at pagharian ang 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinapos ng Green Archers ang kanilang best-of-three championship series ng Red Lions kasama ang 108-82 panalo sa Game One para sa back-to-back crown.

Kumamada si Confe­rence Most Valuable Player Kevin Quiambao ng 26 points, tampok dito ang anim na three-point shots, bukod sa 10 rebounds, 2 assists at 1 steal.

“Iyong core namin from last championship nandito pa din naman but  what’s big here is the maturity of the guys,” ani assistant  coach Gian Nazario na inatasan ni head coach Topex Robinson na hawakan ang tropa.

Nagdagdag si Evan Nelle ng 16 markers, 7 assists, 6 steals at 5 rebounds habang  may 14 markers si Mark Nonoy at humakot si Fil-Am forward Mike Philips ng 12 points at 10 boards.

Ang layup ni Nonoy ang nagbigay sa EcoOil-La Salle ng 11-point lead, 32-21, sa 7:06 minuto ng se­cond period bago nakatabla ang Marinero-San Beda sa 44-44 sa kaagahan ng third quarter.

Ngunit isang 16-2 ata­ke, tampok ang magkasunod na triples nina Quiambao at Nonoy, ang muling naglayo sa La Salle sa 60-46 sa 5:10 minuto ng nasabing yugto.

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with