MANILA, Philippines — Babaguhin ng Cignal TV ang pagtangkilik ng mga fans sa most in-demand sporting events sa pamamagitan ng paglulunsad sa pinakabagong sports powerhouse app na Pilipinas Live.
Ang unlimited sports entertainment ay maaari nang magamit sa dulo ng inyong mga daliri dahil sa Pilipinas Live kung saan mapapanood ang live broadcasts kasama ang mga behind-the-scenes action, sports news at updates, interactive fan experiences at iba pang exclusive features.
Ihahatid ng Pilipinas Live ang 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference simula ngayong araw tampok ang 13 teams kasama ang dalawang foreign squads na hahataw sa semifinal round.
“Pilipinas Live was created to reshape the landscape of sports viewing. It offers the ultimate digital experience to Filipino sports enthusiasts wherever they may be. The innovation behind the app’s development and rollout represents our steadfast commitment to providing only the best to the Pinoy sports fan,” ani Cignal TV president at CEO Jane Jimenez Basas.
Ang Pilipinas Live ay ang go-to app para sa ultimate sports fan kung saan ibibigay ng one-of-a-kind OTT streaming platform sa mga subscribers ang kumpletong game experience.
Ihahatid din ng Pilipinas Live ang extended pre- at post-game coverage.
Ang advanced interactive functions nito ang magbibigay sa mga subscribers ng tsansang lumahok sa talakayan at makakuha ng kaalaman mula sa mga special hosts at guests.
“It will also stream this year’s most anticipated basketball event, the FIBA World Cup 2023 which will feature the best teams around the world,” wika ni Basas.
“With Pilipinas Live, you can watch not just all the games that will be played in the Philippines, but also all the games in Japan and Indonesia. Of course, fans of the PBA and the UAAP will also enjoy watching their favorite games on the streaming platform,” dagdag pa ni Basas.