Yee sa Lady Warriors; Santos sa Junior Warriors
MANILA, Philippines — Dalawang bagong coach ang ipaparada ng University of the East sa women’s volleyball at juniors’ basketball tournament ng darating na UAAP Season 86.
Si veteran mentor Jerry Yee ang gagabay sa Lady Warriors sa women’s volleyball bilang kapalit ni Ronwald Dimaculangan.
Pipilitin ni Yee na maipasok ang Lady Warriors, tumapos na may 1-13 record sa nakaraang season, sa UAAP Final Four matapos noong Season 69.
Hinawakan ni Yee ang mga women’s volleyball teams ng University of the Philippines at Adamson University at gigiyahan ang St. Benilde Blazers sa NCAA at ang baguhang Farm Fresh sa PVL Invitationals.
“It is a privilege to have Coach Jerry Yee as our head coach. Coach Jerry’s reputation and experience in the field of volleyball are well-known,” ani UE team manager Jared Lao.
Samantala, si Karl Santos, pumalit kay Ronnie Dojillo, ang napili para hawakan ang Junior Warriors na huling umentra sa UAAP Final Four noong Season 64.
Si Santos ay dating coach ng La Salle Greenhills Greenies na inihatid niya sa Final Four ng nakaraang NCAA Season 95.
Nagsisilbi rin siyang assistant ni coach Aldin Ayo sa Converge FiberXers sa PBA.
Tumapos ang Junior Warriors na may 3-11 kartada sa nakaraang UAAP season.
- Latest