^

PSN Palaro

Espejo babandera sa AVC Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magbabalik sa national team si outside hitter Marck Espejo upang pamunuan ang Pinoy squad sa AVC Challenge Cup na papalo sa susunod na buwan sa Taiwan.

Masaya si Espejo na makabalik sa national team matapos hindi makasama sa 2023 Southeast Asian Games na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia noong Mayo.

Bilang paghahanda sa AVC Challenge Cup, sasalang ang Pinoy spikers sa tuneup games laban sa Netherlands at China.

Darating sa bansa ang Netherlands at China para lumahok sa Volleyball Nations League sa Hulyo.

Kaya naman sinamantala na ng Philippine National Volleyball Federation na makakuha ang pagkakataon na makaharap ng Pinoy players ang dalawang matikas na teams.

“I’m happy that I’m back with the national team and it’s a great opportunity to play, facing countries like the Netherlands. It’s going to be a big exposure for us players,” ani Espejo.

Inaasahang ilalabas ng Pinoy spikers ang buong lakas nito upang makasabay sa matikas na laro ng Netherlands at China.

“Coach Sergio Veloso said that we should just give our 110 percent every time and we look forward to showcasing what he has been teaching us,” ani Espejo.

Matapos nito, inaasa­hang tutulak na si Espejo sa South Korea kung saan maglalaro ito bilang import para sa Incheon Korean Air Jumbos.

MARCK ESPEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with