Gilas nag papakundisyon bago tumulak sa europe

Members of Gilas Pilipinas pose at the podium with their gold medals, joined by Cambodia's prime minister Hun Sen (lower left) and Philippine Olympic Committee president Abraham "Bambol" Tolentino.
PSC / POC pool photo

MANILA, Philippines — Sumalang ang Gilas Pilipinas sa mabibigat na workout upang masigurong nasa kundisyon ito bago tumulak sa Europe para doon ipagpatuloy ang training camp bilang bahagi ng paghahanda sa FIBA World Cup.

Mas mataas na lebel na ang ensayo ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna dahil nais ni head coach Chot Reyes na makuha ang tamang kundisyon ng kanyang tropa.

Iba’t ibang aktibidad pa ang ginawa ng Gilas para masiguro na makabuo agad ito ng chemistry lalo pa’t sasabak ito sa ilang serye ng tuneup games sa Europe laban sa Estonia, Finland, Latvia at Lithuania.

Isa na sa ginawa ng Gilas ang team building.

“Yes Gilas did team building-related activities,” ani Reyes.

Isang video ang ipinost ni Reyes sa kanyang Instagram bilang patikim sa mga ginagawa ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy.

Nakita sa video na su­­ma­sailalim sa workout si reigning PBA Most Va­luable Player Scottie Thompson.

Nasilayan din sa video si Dwight Ramos kasama ang iba pang miyembro ng Gilas pool.

Galing si Ramos sa kam­panya sa Japan B.League kasama ang Le­vanga Hokkaido.

Muling maglalaro si Ramos sa Japan B.League matapos irenew ng Hokkaido ang kanyang kontrata.

Dalawang beses ang training ng Gilas Pilipinas — isa sa umaga at isa sa hapon.

Magpapahinga muna ang Gilas Pilipinas nga­yong araw (Miyerkules) bago tumulak sa Europa sa susunod na araw.

Makakasama sa Europe trip si naturalized player Justin Brownlee na sumailalim sa non-basketball medical procedure.

Siniguro naman ni Re­yes na walang dapat ipa­ngamba kay Brownlee.

Direkta nang tutulak si Brownlee sa Estonia para doon makasama ang Gilas Pilipinas.

“He will just meet us in Estonia,” ani Reyes.

Show comments