^

PSN Palaro

‘Big 3’ nina Durant, Booker, Beal sa Suns nabuo

Pilipino Star Ngayon
‘Big 3’ nina Durant, Booker, Beal sa Suns nabuo
Bradley Beal

PHOENIX — Lalo pang pinalakas ng Suns ang kanilang backcourt matapos hugutin si Bradley Beal mula sa Washington Wizards via trade kahapon.

Dinala naman ng Phoenix ang 38-anyos na si veteran guard Chris Paul sa Washington kasama sina Landry Shamet at isang package ng future second-round picks.

Sa pagdating ng three-time All-Star guard na si Beal ay mabubuo na ang ‘Big Three’ ng Suns kasama sina Kevin Durant at Devin Booker.

Kinuha ng Phoenix si head coach Frank Vogel bilang kapalit ni Monty William na gigiya naman sa Detroit Pistons.

Ibinuhos ng 29-anyos na si Beal ang kanyang 11-year NBA career sa Wizards kung saan siya kumamada ng mga averages na 22.1 points, 2.3 assists, 1.0 rebounds at 1.0 steals a game.

Sa paglalaro ni Beal ay limang beses nakapasok ang Washington, naglista ng magkatulad na 35-47 record sa nakaraang dalawang seasons, sa playoffs.

Pinili ng Wizards si Beal bilang third overall selection noong 2012 NBA Draft, ngunit hindi nakalampas sa se­cond round.

Hindi pa nananalo ang Washington ng isang playoff series sapul noong 2017.

Hanap naman ni Paul ang kanyang unang NBA title sa kanyang paglalaro para sa Wizards na nakopo ang league crown noong 1978.

Ang 12-time NBA All-Star guard ay isang five-time season assists leader at isang six-time NBA steals leader.

Naglaro siya para sa New Orleans Pelicans, Los Angeles Clippers, Houston Rockets, Oklahoma City Thunder at tatlong huling seasons sa Phoenix.

BASKETBALL

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with