NEW YORK — Pinatawan kahapon ng NBA si Memphis Girzzlies superstar guard Ja Morant ng isang 25-game suspension para sa darating na season.
Ito ay dahil sa pagdi-display niya ng baril sa isang social media video.
“Ja Morant’s decision to once again wield a firearm on social media is alarming and disconcerting given his similar conduct in March for which he was already suspended eight games,” sabi ni NBA Commissioner Adam Silver.
Nakatakdang tumanggap ang 23-anyos na si Morant ng halos $33.5 milyon sa darating na season.
Maaari siyang mabawasan ng $300,000 per game o $7.5 milyon dahil sa kanyang suspensyon.
Ito ang ikalawang sunod na sinuspinde si Morant sa huling tatlong buwan bunga ng pagpapakita niya ng baril sa social media matapos ang eight-game suspension noong Marso.
“The potential for other young people to emulate Ja’s conduct is particularly concerning. Under these circumstances, we believe a suspension of 25 games is appropriate and makes clear that engaging in reckless and irresponsible behavior with guns will not be tolerated,” dagdag ni Silver.
Bago makabalik si Morant sa liga at sa mga aktibidad ng Grizzlies ay kailagan niya munang sumunod sa ilang kondisyon.
Nauna na siyang sinuspinde ng Memphis sa kanilang mga team activities.
“I want to apologize to the NBA, the Grizzlies, my teammates and the city of Memphis. I’m spending the off-season and my suspension continuing to work on my own mental health and decision making,” sabi ni Morant.