MANILA, Philippines — Hindi pa uuwi sa Pilipinas si Thirdy Ravena.
Mananatili ang 26-anyos na si Ravena sa Japan matapos lumagda ng isang one-year extension sa San-En NeoPhoenix para sa kampanya sa B.League.
Patuloy na isusuot ni Ravena ang uniporme ng San-En sa darating na B.League 2023-24 season.
Kumamada si Ravena ng mga averages na 11.5 points, 4.9 rebounds at 4.3 assists per game sa nakaraang B.League season.
“Hopefully, I become a better player in order to help the team, win more games and hopefully make it to the playoffs and win a championship,” sabi ni Ravena.
Ito ang kanyang ikaapat na taon para sa NeoPhoenix na tanging koponang pinaglaruan niya sa Japanese league.
Ang dating kamador ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP ang unang Pinoy player na pumasok sa Asian Player Quota system kasunod ang mga non-Japanese imports.
Muli ring pumirma ng kontrata si Dwight Ramos, ang teammate ni Ravena sa Gilas Pilipinas, sa Levanga Hokkaido
Bukod kina Ravena at Ramos, ang iba pang sikat na Pinoy imports sa B.League ay sina Kiefer Ravena, Kai Sotto, Bobby Ray Parks Jr., Robert Bolick, Matthew Wright, Greg Slaughter at Carl Tamayo.