^

PSN Palaro

EJ Obiena bumasag ng Asian record sa Norway

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
EJ Obiena bumasag ng Asian record sa Norway
Muli na namang gumawa ng marka si EJ Obiena nang kanyang burahin ang Asian record sa kanyang pagtalon sa Bergen Jump Challenge na ginanap sa Norway.
File photo

MANILA, Philippines — Muling inilabas ni Tokyo Olympics veteran Ernest John Obiena ang tikas nito matapos sumungkit ng gintong medalya kasabay ng pagwasak sa Asian record sa Bergen Jump Challenge na ginanap sa Norway.

Nairehistro ni Obiena ang kanyang kauna-una­hang 6-meter mark para masiguro ang ginto.

Ang 27-anyos na si O­biena ang unang Asian pole vaulter na nakapagtala ng 6.0 metro para sumama sa listahan ng elite pole vaulters sa mundo na nasa six-meter list.

Nakuha ito ni Obiena sa kanyang unang pagtatangka.

Nagtala rin si KC Lightfoot ng Amerika ng parehong 6.0 metro subalit nagkasya lamang ito sa pilak dahil naitarak nito ang naturang marka sa kanyang second attempt.

Pumangatlo ang isa pang Amerikano na si Sam Kendricks na may 5.88m na nakuha.

Sinubukan ni Obiena ang 6.06m subalit nabigo ito sa kanyang tatlong attempts.

“It all started with a dream to jump over 5m and set the National Record to now be the 24th person all-time to go over the 6m barrier and the first ever Asian/Filipino,” ani Obiena.

Masaya si Obiena sa panibagong tagumpay na kanyang nakamit lalo pa’t naghahanda ito para sa Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre at sa Olympic Games sa Paris, France sa susunod na taon.

Winasak ni Obiena ang kanyang dating Asian record na 5.94m na nailista nito sa World Athletics Championships sa O­regon, United States noong nakaraang taon.

Sunod na sasalang ang 6-foot-2 na si Obiena sa Oslo Bislett Games sa Hunyo 15 sa Norway.

EJ OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with