Team Philippines humakot na ng 28 ginto

Ibinida ni Angel Otom ang kanyang 4 na ginto na nilunod sa swimming event ng 12th ASEAN Para Games.

MANILA, Philippines — Inaasahang malalampasan ng Team Philippines ang nahakot na 28 gold medals noong nakaraang taon sa kasalukuyang 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia.

Mayroon na ngayong 28 golds, 31 silvers at 39 bronzes ang delegasyon matapos mag-uwi ng 28-30-46 medalya noong 2022 edition sa Surakarta, Indonesia.

Malaki ang tsansa ng Pinas na makahugot ng ginto sa chess, badminton at table tennis events na inilalaro pa habang isinusulat ito.

Nangunguna sa six-round blitz chess event sina Bernardo, Mendoza, Arman Subaste (B2B3), Henry Lopez (men’s PI) at Francis Ching (men’s B1).

Samantala, kinolekta ni javelin thrower Andrei Kuizon ang pang-28 gold ng bansa matapos magdesisyon ang mga organizers na ibigay sa tubong Pampanga ang medalya.

Inihiwalay kasi ng mga organizers ang mga nanalo sa F54 class sa F34 division.

Ito ang ikalawang gold ng 22-anyos na si Kuizon na naghari rin sa shot put.

Show comments