^

PSN Palaro

88 teams riot sa MY Football League

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbukas kahapon ang Manila Youth Football League (MY Football League) na may hangaring palakasin ang sport at ang kabataan.

Sisipa sa torneo, nagba­balik matapos ang three-year absence, ang 88 teams mula sa 11 age categories kasama ang open mixed na nagtatampok sa mga scholars na sinusuportahan ng MFC Foundation, mga koponan mula sa Gawad Kalinga, Antipolo, Japan Football Club at iba pa.

Idaraos ang two-day tournament sa Circuit Ma­kati, nagdiriwang ng ika-10 year anniversary at iniha­handog ng Purefoods.

Giniyahan ng FIFA Grassroots, itinatag ang MY Football League noong 2019 para makagawa ng isang programa na magbubuklod sa liga at mga tutulong dito.

Itinayo ang MFC Foundation kasama si Makati Football Club founder Tomas Lozano, ang organizer ng youth football leagues sa higit sa apat na dekada, para ipagpatuloy ang nasimulang adhikain.

Nakatakda ngayong araw ang final day kung saan maglalaro ang mga koponan ng 2009 at 2008 sa alas-10 ng umaga at ang Open Mixed Division sa ala-1 ng hapon.

MY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with