Pinay booters sasalang sa training camp

MANILA, Philippines — Plano ng Philippine Football Federation (PFF) na ilagay sa isang training camp ang national wo­men’s football team bilang preparasyon sa 2023 FIFA Women’s World Cup na nakatakda sa Hulyo.

Ang mga bansang posibleng puntahan ng Filipinas ay ang Australia o New Zealand.

Kasama ng mga Pinay booters sa Group A ng FIFA World Cup ang mga po­wer­house teams na New Zealand (No. 25), Norway (No. 12) at Switzerland (No. 25).

Walang naihandang friendlies ang PFF para sa Filipinas dahil sa iskedyul at club commitment ng ilang players.

Matapos ang World Cup ay sasalang ang Filipinas sa FC Women’s Olympic Qualifying Tournament sa Oktubre.

Nasa Group A ng torneo ang Philippine squad (49) kasama ang No. 10 Australia, No. 37 Chinese-Taipei at No. 67 Iran.

Minalas naman ang national team na makakuha ng me­dalya sa nakaraang 32nd Southeast Asian Games na idinaos sa Cambodia.

Ito ay dahil sa isang in­ferior goal differential sa group stage.

Show comments