MANILA, Philippines — Tinapos ng Philippine national boxing team ang kampanya sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia na may apat na ginto, limang pilak at isang tansong medalya kahapon.
Tatlo ang sinuntok ng koponan mula sa mga panalo nina bantamweight Carlo Paalam kay Aldoms Suguro ng Indonesia, ang pagdaig ni featherweight Nesthy Petecio at dominasyon ni light welterweight Paul Julyfer Bascon kay Rujakran Juntrong ng Thailand.
Noong Sabado ay kumuha ng gold si featherweight Ian Clark Bautista kontra kay Asri Udin ng Indonesia.
Ang nasabing mga panalo nina Paalam, Petecio, Bascon at Bautista ay kanilang inialay sa namayapang si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ed Picson.
“Para sa kanya ang laban namin at para sa Picson family,” sabi ni Petecio na nag-uwi ng silver medal kasama si Paalam sa Tokyo Olympics.
Nagdagdag ng silver sina two-time SEA Games champion Rogen Ladon, Olympian Irish Magno, Riza Pasuit, John Marvin at Norlan Petecio.
Nagkasya sa bronze si Markus Cezar Tongco.