Tuloy ang arangkada ng Pinas sa SEAG

Sumikwat ng 6 ginto

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng mga Pinoy athletes sa hangaring makapasok sa top three sa overall standings ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia kahapon.

Nagbulsa ng anim na gold medals ang Pilipinas mula sa mga panalo nina taekwondo jins Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Samuel Morrison at Kirstie Elaine Alora, boxer Ian Clark Bautista at tennis players Ruben Gonzales at Francis Alcantara.

Wagi sina Barbosa, Alcantara, Morrison at A­lora sa men’s -54kg, -68kg, -87kg at women’s -73kg sa taekwondo, ayon sa pagkakasunod habang tinalo ni Bautista si Asri Udin ng Indonesia sa men’s fea­therweight class sa boxing.

Humataw naman sina Gonzales at Alcantara ng 2-6, 7-5, 10-5 panalo sa kanilang Indonesian rivals para ibulsa ang ginto sa men’s doubles.

Inilista ng Pinas ang 37 golds, 64 silvers at 75 bronzes para sa No. 6 spot sa overall standings na binabanderahan ng Vietnam (83-76-85).

Hindi naduplika nina two-time SEA Games champion Rogen Ladon, Olympian Irish Magno at Riza Pasuit ang gold medal ni Bautista nang makuntento sa silver.

Natalo si Ladon kay Tha­ranat Saengphet ng Thailand sa men’s flyweight, yumuko si Magno kay Jutamas Jitpong ng Thailand sa women’s bantamweight at minalas si Pasuit kay Vietnamese Thi Linh Ha sa women’s welterweight

Nakatakdang sumampa ngayong hapon sina Tokyo Olympics silver winners Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Paul Julyfer Bascon, Fil-British John Marvin at Norlan Petecio sa final day ng boxing event.

Noong 2019 Manila SEA Games ay sumuntok ang mga Pinoy pugs ng 7 golds, 3 silvers at 2 bronzes.

Samantala, bumuhat ng pilak sina weightlifters Lovely Inan (women’s 49kg), Angeline Colonia (women’s 45kg) at John Ceniza (men’s 61kg) at fencer Samuel Tranquilan (men’s foil individual).

Ang 128kg sa snatch, 169kg sa clean and jerk at total lift na 297kg ni Ceniza ay mga bagong SEA record.

Show comments